Maganda sana ang mga pinagsasabi ng ating mahal na Pangulo, na ang kanyang administrasyon ay magpapatupad ng isang independent foreign policy. Ako ay tunay na sang- ayon dito. Sang-ayon din ako sa pagdi-distansya ng ating relasyon sa Estados Unidos at maging sa kanino pang bansa na banyaga. Ang pag-unlad ng isang bansa ay nagmumula sa pagiging independent at kayang tumayo sa sarili nating paa, dala ng sikap, tiyaga at paninindigan. Sang-ayon din ako sa pahayag ng mahal na Pangulo na trade and economic alliances lang dapat ang ating magiging relasyon sa lahat ng bansa, bagama’t ito ay madaling sabihin at mas magandang pakinggan; ngunit sa tutuo lang ay mukhang malabo itong mangyari. Huwag natin kalilimutan yung ating sinasabing golden rule na “he who has the gold rules.” Sa kasalukuyan sino ba ang mayaman at makapangyarihan na bansa? America at China – ang dalawang pinakamalaki na ekonomiya sa mundo kaya’t sila ang dalawang bansang pinakamayaman at makapangyarihan.
Ang Estados Unidos ay napakalaki na nang investments sa ating bansa at nakakatakot isipin na kapag pinulout ng US ang kanilang investments ay masakit ang magiging resulta. Sa aking pagkakaalam ay hindi rin naman inaagaw ng US ang ating karagatan katulad ng ginagawa ng China.
Pagdating sa pag-mamayabang ng ating mahal na Pangulo na kahit na i-pull out ng America ang kanilang AID ay ok lang daw, sang-ayon ako dito kung ang kanyang magiging anunsyo ay magiging consistent rin katulad sa China. Ang ibig kong sabihin ay kapag ang China ba ang nag-bigay ng AID, una sa lahat ay hindi ba natin ito babayaran, baka naman AID na loan din naman. Pangalawa ay kung AID na wala ng bayaran o kapalit, eh malabo namang mangyari yuon at isang imposiblemng bagay ito. Ang malamang na magiging kabayaran o scenario ay mag-bibigay ng AID ang China sa kondisyon na hindi na natin hahabulin at ia-assert ang ating pagkapanalo sa UNCLOS. Samakatwid ay sa China na mapupunta ang Spratlys, mga shoal etc. Yaan ang magiging kapalit ng AID ng China. Gusto ba natin ito mga dear readers?
Para sa akin, bilang isa ring praktikal na indibidual, kailangan ay balansehin at timbangin natin ang halaga ng AID na ibibigay sa atin ng China at kahit na bilyones pa halimbawa ang kanilang ibigay na AID ay baka barya-barya pa rin yuon kapalit ng mawawala sa makukuha natin sa South China Sea or West Philippine Sea sa dahilang ang assessment ng mga experto ay nasa trilyon-trilyones ang halaga ng mga natural resources ang mapapakinabangan sa South China Sea/West Philippine Sea.
