Attention: HON. CRISTY ANGELES, TARLAC CITY MAYOR at HON. USEC. CATALINO CUY, DILG SECRETARY (OIC) – CITY ACCOUNTANT- ROLAND DOMINGO hindi ka dapat na naging Department Head!

Anong klase ba itong City Accountant ng Tarlac City na si MR. ROLAND DOMINGO, paano ba naging isang department head ang taong ito? Humihiling lamang sa pamamagitan ng isang pormal na liham ang isa sa aming miyembro hinggil sa Internal Revenue Allotment (IRA) ng Barangay Tibag, aba eh, ipinaikot-ikot pa ang aming miyembro. Alam naman nitong si Mr. City Accountant na ang impormasyong hinihingi ay public documents, at in fact nararapat pa nga na ang IRA ng isang barangay at kung saan ito ginagastos ay dapat na naka-paskel sa bulletin board ng barangay. Kaya’t, tunay na isang palaisipan ang ipinakitang KATANGAHAN KAYA, KABOBOHAN KAYA a baka naman KONTSABA SA COVER UP itong si City Accountant Domingo?

Basahin sa kaliwa ang kabuuan ng liham na ipinadala sa tanggapan ni Mayor Angeles hinggil sa katangahan nitong si City Accountant Domingo.

Mahal na Mayor Angeles, isang taon na kayong nanunungkulan. Maari siguro na magpatupad na kayo ng isang sistema na kung saan ang mga nangangailangan ng public documents ay hindi na mapapahirapan na mangalap ng impormasyon, total naman pinalalabas ninyo na malinis ang inyong administrasyon, hindi po ba? Kung tutuusin ay mayroon na tayong Freedom of Information Order (EO No. 2). Bagama’t hindi namin ito ginagamit sapagkat sapat na sa aming pananaw ang nakasaad sa ating saligang batas (Constitution) Art. III , Section 7 at sa RA 6713 (Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees), partikular na ang Section 4 (e) at 5(a) kung saan ang sinasabi na sumusunod:

Section 4. Norms of Conduct of Public Officials and Employees. – (A) Every public official and employee shall observe the following as standards of personal conduct in the discharge and execution of official duties: (e) Responsiveness to the public. – Public officials and employees shall extend prompt, courteous, and adequate service to the public. Unless otherwise provided by law or when required by the public interest, public officials and employees shall provide information of their policies and procedures in clear and understandable language, ensure openness of information,
Section 5. Duties of Public Officials and Employees. – In the performance of their duties, all public officials and employees are under obligation to: (a) Act promptly on letters and requests. – All public officials and employees shall, within fifteen (15) working days from receipt thereof, respond to letters, telegrams or other means of communications sent by the public. The reply must contain the action taken on the request.

Ngayon kung ito ay inyong babalewalahin ay siguradong magkikita tayo sa DILG, sa Civil Service Commission, sa Prosecutor’s Office, sa Office of the Ombudsman (OMB) atbp.

Hindi natin maaalis sa publiko na kapag ang isang impormasyon ay mukhang hindi kusa at malayang ibinibigay, at may mistulang lack of transparency, ang nagiging katanungan ng madla ay ano ba ang kanilang itinatago? Kaya natural sa publiko na magduda at ito ay hindi maganda para sa liderato ni kagalang-galang na Mayor Angeles at siguradong ang ganitong mga isyu ay gagamitin ng kanyang mga katunkgali sa politika sa darating na eleksyon.

 

LG1LG2

You May Also Like

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *