ATTENTION: HONORABLE MAYORS OF TARLAC PROVINCE, TAKE NOTE (FOR COMPLIANCE OF POULTRIES AND PIGGERIES)

MAYOR

Kami sa Linis Gobyerno ay humahanga sa mga hakbangin na kailan lamang ay isinagawa ng butihing Mayor ng Santa Ignacia na si Hon. Nora Modomo. Nuong october 24, 2018 ay nagpatawag si Mayor Modomo ng meeting sa lahat ng Poultries at Piggeries sa Sta. Ignacia. Sa pulong na ginanap ay kasama niya ang kanyang mga concerned department heads and others. Kanyang nilinaw sa mga Poultry at Piggery owners na hindi sila bibigyan o papayagan na mag-renew ng kanilang business permits kung hindi sila mag-comply sa mga sumusunod: (1) Kelangan merong ECC at isinatupad ang mga nilalaman ng ECC, (2) kelangan na compliant sa pag-miyembro sa SSS, PAG-IBIG at PHILHEALTH para sa mga benepisyo ng mga empleyado, (3) kelangan ay tama ang deklarasyon ng mga buildings and improvements sa Assessor;s Office, (4) Kelangan ay may mga building permits and related permits na nag mumula sa Engineering or Municipal Building Official, (5) Kelangan ay mayroon locational clearance (mula sa MPDO) and of course dapat rin ay mayroon land re-classification or land conversion, (6) kelangan ang mga empleyado ay may mga health cards. Kailangan din na may mga fly control measures and systems na sisiyasatin ng Municipal health officer. Ilan lamang ito sa mga dapat na gampanan ng mga kinaukulang poultries at piggeries. Ngunit, aming napansin na walang binangit si Mayor Modomo pagdating sa pagbibigay ng tamang pasahod at termino (bawal na daw ang ENDO) sa mga tauhan ng mga poultry at piggery. Bagama’t ito ay nakakasakop sa Department of Labor and Employment (DOLE), saludo kami sa ‘yo Mayor Modomo, Mabuhay ka!!!

You May Also Like

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *