Kaisa sa Barangay inilunsad

Opisyal na sinimulan ng alkalde ng lungsod ng Tarlac, Maria Cristina C. Angeles, ang kanyang “Kaisa sa Barangay Program” ngayong araw, ika 23 ng Nobyembre, sa Barangay San Rafael, Tarlac City.

Ang “Kaisa sa Barangay Program” ay naglalayon na patuloy na maipaabot sa mga residente ng bawat barangay ng lungsod ng Tarlac ang tunay na serbisyong pampubliko lalo na sa mga marignalized sector ng lipunan tulad ng mga Senior Citizens, pati na rin ang mga Persons with Disabilities o PWD, mga buntis, at mga kabataang gustong makapag-aral.

Baon ng butihing alkalde sa kanyang pagbisita sa mga barangay ang kanyang mga programang pangmasa na sinimulan na niya noon pang panahon ng kanyang pagiging Senior Board Member ng lalawigan ng Tarlac. Ang mga programang ito ay ang mga sumusunod:
Libreng Salamin Para sa Malinaw na Paningin (Libreng Reading Glasses)
Piso Piso Para kay Bunso (Libreng New Born Kit with Bamboo Bank); at
Lingap at Kalinga para sa mga Bata
Layunin din ni Mayor Cristy na dagdagan pa ang mga programang ito na tinitiyak niyang makakarating sa pitumpu’t anim (76) na barangay na bumubuo sa Lungsod ng Tarlac. Ilan sa mga ito ay ang medical at dental health bus na bibisita sa mga barangay upang magbigay ng libreng medical services sa mga Tarlaqueño.

Kasama ni Mayor Cristy sa kanyang pagbisita sa Brgy. San Rafael sina Bise Alkalde Genaro “Aro” Mendoza at sina Konsehal Christopher “Topey” Delos Reyes, Ricky Diolazo at Vladimir Rodriguez.

“Simula na po ito ng aming pag-iikot sa bawat barangay sa ating lungsod mula ngayong linggong ito hanggang sa matapos namin ang lahat ng mga programa na aming inihanda para sa mamamayan ng Tarlac City. Tulad po ng aking ipinangako noong panahon ng kampanya, hindi po ako hihinto sa pagbabarangayan ko para tugunan ang mga pangunahing pangangailangan ninyo at mapakinggan ang inyong mga hinaing para sa mas mabuting paglilingkod namin sa Tarlac City.”/Tarlac CIO

You May Also Like

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *