Langaw sa Lungsod ng Tarlac! -first of three parts

By: Bing Farres

Normal lang ba na may langaw? Hindi nga ba ito puwedeng masugpo at tuluyang mawala sa ating kapaligiran?

Sa aking pag-iikot sa Lungsod ng Tarlac, sa tuwing inuungkat ang usapin tungkol sa langaw, ang karaniwang reaksiyon ng tao ay “normal lang na may langaw”. Para bang resigned na ang mga tao at tinanggap na nila na ang langaw ay parte ng kanilang pamumuhay.

Ang usaping langaw ba ay napakasimpleng, at dapat na ipagkibit-balikat lamang? Nonsense kumbaga, at mas marami tayong mas importanteng issue na dapat pagtuunan ng pansin?
Mali. Hindi normal na may langaw. Hindi normal na dinadapuan ng langaw ang ating pagkain, hindi normal na dinapuan ng langaw an gating mga anak kanilang pagtulog. Parang lamok din ‘yan. Puwede ‘yang ma-control, puwede ‘yang masugpo, at puwedeng tuluyang mawala sa ating kapaligiran. Ang langaw ay PESTE. May dala ang mga itong maraming mikrobyo na magdudulot ng sakit, lalung-lalo na sa mga bata at matatanda. Kung may langaw, ito ay nagpapahiwatig na mayroon tayong ginawagang mali sa ating kapaligiran.

Personal na karanasan
Bagong lipat lang kami (ako at ng aking pamilya) sa Lungsod ng Tarlac (wala pang isang taon). Sa loob ng ilang buwang pamamalagi naming dito, napansin namin na may mga panahon na dinadagsa kami ng libu-libong langaw (swarm of flies), at kahit anong gawin namin ay hindi kami nauubusan ng langaw (they must be coming from somewhere)! Ngayon lang kami nakaranas ng ganito sa buong buhay! Marami ring langaw sa palengke (karaniwang sasabihin ng mga tao eh palengke nga eh, eh di may langaw!), kaya kami ay nagpunta sa isang supermarket sa mall, ngunit laking gulat ko ng nasaksihan ko na may mga bangaw, yes bangaw (malalaking langaw) din sa kanilang meats and fish section. May mga langaw din sa ilang restaurants (mga sikat na naka-aircon) na aming kinainan.
Samaktwid, ang langaw sa Tarlac ay isa ng malalang problema, sa aminin man natin at sa hindi, at hindi na dapat ito i-trato na pangkaraniwan lamang (lalung-lalo ng ating City Health Office).

Ano nga ba ang langaw? Paano ito nabubuhay?
Hindi ako isang entomologist. Hindi ako scientist. Ako ay isang simpleng journalist lamang. Higit sa lahat, ako ay isang ina na naghahangad ng isang malinis at malusog na kapaligiran para sa aking mga anak. (I miss Gina Lopez!) Dahil dito, ako ay nanaliksik, pinag-aralan ko ang langaw!

Ayon sa World Health Organization o mas kilalang WHO (karamihan ng datus sa atrikulong ito ay galing sa pananaliksik ng WHO), ang langaw o tinatawag sa Ingles na housefly ay nabubuhay malapit sa mga tao sa buong mundo. Ngunit hindi ito nangangahulugan na sila ay parte na ng ating buhay.

May apat na yugto ang buhay ng langaw: egg (itlog), larva/maggot (uod), magkakaroon ng bahay ang uod sa kanyang pupal stage, hanggang sa ito ay ganap ng langaw. Depende sa temperatura, ang itlog ay magiging adult sa loob ng 6-42 days.

Ang adult na langaw ay nabubuhay sa loob ng 2-3 weeks. Depende sa environmental conditions, puwede pa itong mabuhay hanggang tatlong buwan!

Ang langaw ay karaniwang nangingitlog ng maramihan sa tae at sa basura. Ang itlog ay namimisa (hatch) sa loob lang ng ilang oras. Pag namisa na ang mga ito, at naging uuod (maliliit) kung saan gustong-gusto nila ang medyo basang environment. Pag ang mga uod na ito ay hinaayang mabuhay, lilipat sila sa mas tuyong lugar at doon sila gagawa ng sariling bahay (pupa) hanggang sila ay magiging tuluyang adult na langaw.

Ang babaeng langaw ay kayang mangitlog ng hanngang 120-130 sa isang itlugan at sa buong buhay nito, kaya niyang mangitlog ng hanngang limang beses. Sa madaling salita, kung hayaan nating mabuhay ang isang langaw, ay asahan natin na dadami at dadami ito ng ilang daan (hundred-fold), sa loob ng humigit-kumulang na isang buwan lamang.

Pagkain ng langaw
Ang langaw (male at female) ay kumakain ng lahat ng uri ng pagkain ng tao, basura, at tae. Sinisipsip din nila ang pawis ng tao (kaya sila dumadapo sa atin). Kinakain din nila ang tae ng hayop.

Mas gusto ng mga langaw ang liquid food para sisipsipin lamang nila ito. Ngunit puwede rin silang kumin ng tuyong pagkain – ito ay kanilang lalawayan hanggang lumambot, at saka nila sipsipin.

Kaya ang langaw, ay dumadapo sa ating inyong inumin, dahil umiinom din sila. At pag dumapo sila sa ating tuyo (dry) na pagkain, asahan niyo na lalawayan nila iyon, kaya anumang microbiyo na nasa laway nila ay mapupunta sa ating pagkain. Ito ay iba pa sa mga mikrobiyo at iba’t-ibang kalseng dumi na kumapit sa kanilang paa.

Breeding sites (saan sila nagpaparami)
Ang langaw ay nangingitlog sa mga na tae ng hayop at mga nabubulok na mga halaman.
Ang pinakagusto nilang pangitlugan ay sa tae ng hayop na medyo basa, medyo malambot pa, at normally ay nasa isang linggo na. Ito ang isang ekspalanayon kung bakit ang poulty na hindi pinapalakad ng tama ay malangaw.

Ang ating alkantarilya (sewer) ay isa ring puwedeng pangitlugan ng mga langaw kaya napaka-importanteng may p-trap daluyan ng ating mga duming tubig. Nakakalungkot nga lamang dahil sa aming experience, ang p-trap ay winawalang-bahala ng mga construction workers (mason at tubero) at hindi nila nakikita ang kahalagahan nito. Magpalagay ka ng lababo sa kanila at karamihan sa kanila, ay hindi ilalagay ang p-trap kahit ito ay kasama sa set na ibigay sa kanila. Ito ay isang classic example ng failure of education natin (o baka naman pati mga guro ay hindi alam ito).

Ang mga pinagdamuhan na iniiwan lang sa tabi-tabi ay breeding site din ng langaw. Ang pinagdamuhan ay dapat i-compost at hindi dapat hayaang mabulok lamang sa tabi-tabi. Panawagan sa City Environment and Natural Office, ginagawa niyo ba ito sa inyong mga grass cutting activities? Alam ba ito ng inyong tauhan?

Sa mga susunod na issue ay tatalakayin natin ang public health impact (ang mga iba’t ibang sakit na dulot ng langaw).

Panawagan sa City Health Office – kung mayroon kayong nalalaman at mayroon kayong mai-contribute tungkol dito (sana ay meron, dahil sa obserbasyon ko lang ay wala kayong pakialam sa langaw) ay maari kayong mag-email sa tarlacweekender@yahoo.com. I hope you will prove me wrong.

-to be continued-

You May Also Like

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *