Let he who is without sin cast the first stone!!! Sahod ng Pulis at Militar dodoblehin, pano sa iba???

Mga kaibigan, hindi po ako isang born against Christian este born again Christian, bagama’t ilang beses ko na rin nariniig ang kasabihan na ito na “let he who is without sin cast the first stone.” Binigkas daw ang mga salitang ito ni Kristo nung si Maria Magdalena (Mary Magdalene) na siyang isang putatsing (pok-pok girl) ay pagbabatuhin ng mga pariseyong nagmamalinis. Tunay na isang makatutuhanan at relevant ang kasabihang ito ni Kristo sa kasalukuyang panahon, or some 2000 years after it was said by Christ Jesus, hindi po ba? Lalung-lalo na pagdating sa aspeto ng moralidad. Kaya po halos mahulog ako sa aking uinuupuan nu’ng marinig ko ang ating Pangulo na banatan si Senator Delima regarding her alleged immoral behavior!!! Sabi ko sa aking sarili, Diyos ko po ano ba ito, isang tao na certified na babaero ang bumabatikos sa larangan ng moralidad?! Bagama’t sinabi ni dating Pangulong Erap nung campaign period na ang gaspang nitong si Du30 at walang ka fines-fines pagdating sa pag-trato sa babae, kaya binabawi ko ang sinabi ko na certified na babaero si Du30. O baka naman feeling babaero lang si Du30 si Apo Presidente??? Sige na nga Apo Presidente, magpa-tutor ka na nga sa isa mong masugid na supporter na si Robin Padilla kung paano ang mga istilo para maging isang tunay na ladies’ man.

####

Bilib ako at full support ako sa mga campaign promises ni PresDu30 na dodoblehin daw niya ang mga sahod ng mga military at pulis within this year. Very Good, Sir Mr. President Sir! Isang napakagandang mungkahi at adhikain. Ang problema nga lang at ang tanong ko lang sa inyo Mr. President ay eh paano na ang sahod ng mga ibang nasa gobyerno at mga civil servants katulad halimbawa ng mga TEACHER, NURSES, ENGINEERS, DRIVERS, LABORERS, DOCTORS, MIDWIVES, ACCOUNTANTS, LAWYERS, CLERKS, KARTERO, MESSENGERS, JANITORS, LIBRARIANS, MANAGERS, SUPERVISORS etc.. etc… Hindi po ba sila deserving na madoble rin ang kanilang sahod? Mga pulis at military lamang ba ang dapat na madoble ang sahod??? Aking susulatan ang ating mahal na pangulo sa Malacanang at tatanungin natin ang kanyang komento hinggil sa ating katanungan natin. Abangan po ninyo ang kasagutan ng ating mahal na Pangulong Du30. Sa ngayon ay mananalangin na lang ako na maging patas sana para sa lahat ng nasa gobyerno ang mga salary increases!!!

You May Also Like

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *