Matagal na talaga ako medjo nagtataka kung bakit ayaw gawing ligal ang jueteng samantalang napakarami ang nakikinabang sa sugal o laro na ito. Hindi ka kailangan na maging big time para tumaya at kahit na piso lang ang nais mong itaya ay kanila itong tatanggapin at ang tama mo ay Wow, kung tatama ka ng totoong tama at hindi basta tama sa pader.
Ayon nga sa iba kong mga kaibigan, ang jueteng ay tunay na isang parehas na sugal at siyang binobola sa isang parehas na pamamaraan at ang bolahan ay isinasagawa sa ilalim ng puno ng kamatis. Hi! Hi! Hi! (Mga duwende pala ang nagpapatakbo ng jueteng).
Bakit kaya na sa tinagal-tagal ng sugal na ito ay ayaw gawing ligal ng ating mga mambubutas este mambabatas ang sugal na ito nang sa ganoon ay makinabang ang buong sambayanan dala ng buwis na makokobra sa opersayon ng nasabing sugal? Katulad halimbawa sa isang probinsya na laganap ang jueteng ay kumukobra ng mahigit ilang milyones sa isang araw kaya’t isipin na lang natin kung halimbawa ay na sa 20% ang tax ng ganitong sugal at sa isang milyong piso pa lang ay Php200,000 kada araw na ang buwis at sa isang buwan ay Php 6M ang mapupunta na buwis sa kaban ng bayan. Sa isang probinsya pa lamang yan, eh ilan ang probinsya sa buong Luzon.
Maliban sa mga buwis na makukobra ay mismong ang mga trabahante mula sa mga rebisador hanggang sa mga kobrador ay mabibigyan ng proteksyon sa ilalim ng butas este batas at sila ay magkakaroon ng SSS at iba pa na mga benepisyo na nakasaad sa ilalim ng ating mga labor laws.
Kapag ginawang ligal ang jueteng ay hindi lamang ang mangilan-ngilan mga big time na nagko-control ng sugal na ito ang makikinabang kasama ng kanilang mga PROTEKTOR NA NAKAPATONG, hindi ko na babanggitin kung sinu-sino ang mga protektor at mga nakikinabang!!! Sabi nila ito pa raw si Luding ang siyang bangka o financier ng sugal na ito kung saan ang kanyang kasosyo ay itong si the famous Atong Ang na ang gamit nilang pangalan ay ang Meridian na naka-base naman sa Freeport ng Cagayan. Totoo kaya ang mga inpo na ito? At ang opersyon naman daw sa probinsya na ito ay hawak ng mga *&^$%$#Jh&%$v??? Hi! Hi! Hi!
Kung bakit naman kadi itong simbahang Katolika at mga ibang mga IPOKRITONG relihiyon ay kinokontra ang jueteng, ngunit kung mag bibigay ng donsayon na galing sa jueteng ay kanila rin naman itong tatanggapin at tuwang tuwa pa sila? Dapat ay huwag ng makialam ang mga IPOKRITONG relihiyon na ito pagdating sa kung papaanong nais na gastusin ng isang tao ang kanyang salapi. Marahil ay kaya ikinokontra ng mga IPOKRITONG relihiyon ang jueteng at iba pa na mga sugal ay sa dahilang nais nila lamang na sa kanilang mga simbahan o samahan mapunta lahat ang mga abuloy o donasyon! Kung bakit ang casino ay hindi nila kinokontra, bakit ang mga may kaya sa buhay lang ba ang puwedeng mag sugal? Kapag small time ka ba ay wala ka ng karapatan mag sugal? PWEEEE…….
Magsitigil nga kayo sa inyong mga KA-IPOKRITOHAN. MIKABALU TAMU!
