Libreng Wi-Fi sa Lungsod ng Tarlac

Ang Pamahalaang Lungsod ng Tarlac, kaagapay ang Department of Information and Communications Technology (DICT), ay nagsagawa ng Internet Media and Information Literacy Training sa Bulwagan ng City Hall, August 22.

Ang pagsasanay ay isinagawa kaugnay ang pagkakaroon ng libreng Wi-Fi Internet Access sa mga piling pampublikong lugar. Inanyayahan ang iba’t-ibang kasapi ng komunidad na makilahok sa pagsasanay.

Ang Free Wi-Fi Project, o kilala sa opisyal na pangalang PIPOL KONEK!, ay proyekto ng gobyerno na may layong magbigay ng libreng internet sa mga pampublikong lugar upang mas mapadali ang paraan ng komunikasyon.

Sa pagkakaroon ng kaunting problema sa antenna at mga kagamitan dito sa Tarlac dahil sa malakas na pag-ulan, sumasailalim sa masusing maintenance at repairs ang wifi equipment.

Sa kasalukuyan, may mga restriksyon ang nasabing proyekto kung saan limitado ang access sa internet. Facebook, Youtube, Google Mail at Yahoo lamang ang maaring maaccess ng publiko upang mafilter ang mga websites para sa dagdag seguridad.

Maaring kumonekta sa libreng internet sa mga hotspot na matatagpuan sa Tarlac City Plazuela at sa Business One Stop Shop ng City Hall./Tarlac CIO

You May Also Like

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *