Malinaw na sa lahat, walang batayan ang NAPOLCOM sa pagsangkot sa droga kay Mayor Andy Lacson.
Dahil ayon mismo sa kapulisan ng Tarlac wala silang report na nagdadawit sa kanya sa droga. Hanggang ngayon, malinis ang pangalan niya sa PRO3 (PNP Regional Office 3) magmula pa noon na ang PNP Region 3 Director ay si retired police general Aaron Aquino na ngayon ang PDEA Director General.
Noong Senate DILG budget hearing (Nov. 17, 2017), inamin din mismo ni DILG Secretary Catalino Cuy, chairman ng NAPOLCOM, na wala siyang personal na kaalaman kay Mayor Lacson tungkol sa droga nang pirmahan niya ang NAPOLCOM Resolution No. 2017-569. “Na-pressure” lamang daw siya na pirmahan ang resolusyon na may pangalan ng 4 na mayor.
Ng dahil sa NAPOLCOM resolution na nalathala sa mga pahayagan, si mayor na walang bisyo – hindi naninigarilyo, hindi nagsusugal, hindi pumupunta sa mga bar, hindi manginginom – sa mata ng mga hindi nakakakilala sa kanya, ay sangkot sa iligal na droga na walang batayan.
Ngunit bakit kaya isinama ang pangalan ni mayor Lacson sa mga mayor na pinaghihinalaang sangkot sa droga? May nagawang mali?
Sa kanyang panunungkulan bilang mayor simula 2013, nasa P12 Bilyon na ang pumasok na bagong negosyo sa bayan, kasama na dito ang P11.2 Bilyon na pinakamalaking solar plant sa Pilipinas, ang Walter Mart, ang SM Save more, dressing plants, at marami pang iba.
Sa susunod na taon, itatayo ang isa sa pinakamalaking planta ng bakal na nagkakahalaga ng mahigit P10 Bilyon.
Umayos ang pamamalakad sa munisipyo at walang anomalyang napabalita.
Tatlong barangay kagawad at 2 empleyado ng munisipyo ang ikinulong dahil sangkot sa droga
Nagkaroon din ng bagong istasyon ang kapulisan na pinondohan ng lokal na pamahalaan.
Walang korapsyon o ano mang masamang gawain ang nai-pukol kay Mayor Lacson.
Sa totoo lang, siya ang mayor na nagpa-unlad ng husto sa bayan ng Concepcion.
Kaya’t ang tanong ng lahat: SINO ANG MAY GALIT KAY MAYOR LACSON NA NAPAKA-MAIMPLUWENSIYANG TAO NA NAGAWANG “ISINGIT” ANG KANYANG PANGALAN SA NAPOLCOM resolution?
Malamang hindi ang Malacanang dahil nanalo si Pres Duterte dito, at suportado naman niya ang kampanya laban sa droga.
Malamang hindi rin ang Kapitolyo dahil wala naman siyang hinadlanagang polisiya ng pamahalaang panlalawigan at sa partidong kanyang kinabibilangan (NPC).
Ang sabi nga ni (Concepcion) vice mayor Danilo David, “POLITIKA LAMANG ANG DAHILAN KAYA NASANGKOT SIYA DROGA”.
Sino nga ba ang nagna-nais tumakbong mayor sa 2019?
Napakarumi na ng politika nagyon sa Concepcion. Paninira na walang katotohanan ang gamit sa maagang pamumulitika.
PWE!
