Tayong mga Pilipino ay matagal ng naghihirap. Daan-daang taon na tayong inalipin at pinahirapan ng mga dayuhang mananakop. At hanggang ngayon, milyon-milyon sa atin ang patuloy na nagpapa-alipin sa ibang bansa para lamang makapagpadala sa mga pamilyang naghihikahos.
Ngunit ito, nawa, ay hindi na magtatagal dahil ang Pilipinas pala ang pinakamayamang bansa sa buong mundo.
Bakit?
Una, nasa Pilipinas ang pinakamalaking oil reserve sa mundo at ito ay matatagpuan sa ilalim ng Spratlys group of islands na nasa South China na tinatawag ngayong West Philippine Sea.
Pangalawa, at dahil din sa pagkakaroon ng Pilipinas ng Benham Rise o ang isang “underwater platue” na matatagpuan naman sa Pacific Ocean na nasa “harapan” ng mga probinsiya ng Aurora at Isabela.
Ang Benham Rise na may lawak na 13 Milyon hektarya ay pinagka-loob ng United Nation Commission on the Limit Continental Shelfs (UNCLOS) noon lamang 2012. At dahil ito ay karagdagang “lupain” ng bansa, ang Pilipinas ngayon ay may lawak ng 43 Milyong hektarya sa dating 30 Million hectares.
Sa Benham Rise matatagpuan ang pinakamalaking reserba ng “liquid methane”, isang uri ng makabagong energy source (na maaring ipalit sa crude oil bilang “hydrocarbon based” fuel). Sa ngayon sa Pilipinas lamang matatagpuan ang commercial reserve ng liquid methane.
Ayon sa mga pag-aaral, ang ilang isla ng Spratlys na sina-ilalim sa geological survey ay tinatayang may oil reserve na 17 Billion barrels na nagkakahalaga ng $26.3 Trillion.
(Mas mayaman tayo sa langis kesa sa Brunei at ibang bansa sa Middle East)
Mas Malaki ang oil reserve na ito kesa sa langis ng Kuwait na 13 Billion barrels lamang. At hindi pa kasama ang ibang isla ng Spratlys at ang mga isla ng Scarborough Shoals (mga isla sa taas ng Spratlys na halos “tapat” ng Zambales ).
Ang halagang $26.3 Trillion ay P1,315 Trillion na katumbas ng mahigit 438 years na annual national budget ng bansa. (Nasa P3 Trillion lamang ang annual budget ng Pilipinas.)
Ang ibig sabihin nito ang halaga ng oil reserve sa ilang isla pa lamang ng Spratly ay maari ng tustusan ang lahat ng panganga-ilangan ng gobyerno na walang pinapataw na buwis o pag-utang sa ibang bansa sa loob ng mahigit 430 years.
Habang ang kayamanan naman sa ilalim ng Benham Rise, liban sa liquid methane, ay, ‘di umano, maari nitong suplayan ng fuel ang buong mundo kung mauubos man ang lahat ng langis sa planeta.
Napakasarap isipin na ganito kayaman ang Pilipinas. Ngunit alam natin na ang mga namumuno sa bansa ang nagiging dahilan ng paghihirap nating mga Pilipino.
Nasa kasaysayan natin na ilang ulit na “itinapon” ng mga namumuno ang oportunidad na umunlad ang bansa.
Naririyan ang pag-surrender ng Sabah bilang teritoryo ng Pilipinas noong panahon ni Marcos. (Ang Sabah ay malaking lupain sa Malaysia na kinikilala hanggang ngayon na pag-aari ng Sultan ng Sulu. Katabi nito ng Brunei ngunit ito ay napakalaki ng lawak kung ikukumpara sa Brunei. Mayroon din itong oil reserve.)
Ang walang pakundangan pagsira sa ating “forest cover” dala ng walang humpay na pag-export ng mga kakayuhan ng bansa noong dekada 60s hanggang 80s (panahon din ni Marcos) ang lubos na sumira sa ating likas na yaman.
(Ang kabundukan noon ng Pilipinas ay pinakamayaman sa hard wood, ngunit ngayon tayo na ang umaangkat ng mga kahoy sa ibang bansa na pampagawa ng ating mga bahay at ibang panganga-ilangan.)
Liban pa dito, naririyan din ang halos isang siglong pakikipagsabwatan ng mga nakaraang nanunungkulan sa Amerika na nagdulot ng “socio-economic enslavement” ng sambayanang Pilipino.
Ang ating pag-unlad ay patuloy na pinigilan ng mga polisiyang idinikta ng mga ibang bansa na sinangayunan ng ating mga pamunuan dahil sa kanilang korapsyon.
Ngayon sa gitna ng pangangamkam ng China sa Spratly at Scarborough, ang nakataya sa mga kamay ng kasalukuyang administrasyon ay ang likas na kayamanan ng bansa na nararapat na matamasa ng bawat Pilipino.
Malamang, kung hindi tayo makiki-alam, ang ating kayamanan ay pakikinabangan lamang ng mga ibang bansa at iilang mga alipores nila.
Bagamat nasa atin ang kayamanan, kailangan pa rin nating bantayan ang mga nanunungkulan sa maari nilang gawing pakikipag-sabwatan sa China.
Panahon na upang tayo ay guminhawa.
