>“NANLABAN,” ang bagong kahulugan! >Mga Babala ni Sen. Trillanes sa PNP!

Mga Babala ni Sen. Trillanes sa PNP – Para sa inyo na mga nakarinig sa mga sinasabi ni Senator Trillanes kay Chief PNP Bato noong unang araw ng senate hearing na pinangunugahan ni Senator Leila de5 noong Lunes, ay sang-ayon ako at tamang-tama para sa akin ang mga sinabi ng Senador kay Chief PNP Bato. Ayon kay Sen Trillanes, dapat ay huwag kalilimutan ng kasalukuyang kapulisan na umiikot ang mundo. Kapag halimbawa ang susunod na Pangulo ay partikular sa human rights at kanya ng ipinaimbistiga ang mga napakaraming napapaslang na sinasabing mga police encounters at puros nanlaban eh itong sina Chief PNP Bato ay retirado na at wala na sa serbisyo. Ito namang si Pangulong Du30 ay hindi na rin pangulo kaya posibleng tamaan itong mga nagtatapang-tapangan na mga pulis ngayon at sila ay makasuhan at baka makulong pa kung saka-sakali lang na hindi maayos ang mga naging encounter at pag papatay ng maraming mga “nanlaban” sa ngayon. Aba eh, sa darating na mga panahon na yun ay walang magagawa na itong sina Bato at Du30 para sa mga makakasuhan sapagkat wala na ang mga baker nila (Bato at Du30) sa puder. Kaya ang pinaka-importante ay huwag magtapang-tapangan at magsasagawa ng mga iligal at vigilante style ng pagpapatay ang ating mga kapulisan nang sa ganoon ay kanila lamang ginagampanan ang kanilang tungkulin base sa sinasabing operation on presumption of regularity na sila ay pumatay kasi in danger ang safety nila at for self defense. Ito ay nang hindi sila mabutasan maging anumang imbestgasyon ang isagawa ng kahit sino sa darating na panahon. Sa pagkakataong ito ay sang-ayon ako sayo Senator Trillanes. Ang kanyang nabigay na komento ay isang sound and realistic advice. Ang dasal ko na lang ay pakinggan siya at sundin siya ng ating mga kapulisan. UMIIKOT ANG MUNDO, aniya.

####

“NANLABAN” ang bagong kahulugan- Ayon sa marami kong mga nakakausap, parati na lang kapag nabibigkas ang salitang ito ay nagiging tunay na katawa-tawa, at yun ang salitang “nanlaban.” Bagama’t totoo na may mga nanlalaban na mga drug users/pushers at mayroon ding napapatay na mga pulis na mangilan-ngilan ay mukhang mabibilang ito sa daliri ng ating mga kamay. Ang tanong nga lang ay sa kasalukuyang 900 plus na napatay ng mga kapulisan na mga legitimate police encounters daw, ibig ba nilang sabihin na lahat ng mga yun ay nanlaban??? Owwww c’mon, lahat ng mga yun “nanlaban,” o pati na sumusuko at tinotodas sapagkat napakalakas na ng loob ng ating kapulisan. Ito sapagkat ayon kay Pres Du30 ay babak-apan niya sila at with matching reward pa, at kung may makulong sa kanila in the performance of their duties ay mayroon siyang mga blangkong pardon na pirmado niya na magagamit nila. PATAY KAYONG LAHAT NA DRUG USERS AT PUSHERS KAYO!!! Ngunit nais ko sanang makarinig ng tinutumba na mga users/pushers na mga bigtime at mga nasa showbiz, yung katulad ng mga nakatira sa mga exclusive subdivision at hindi lang puros mga mahihirap na mga naka-tsinelas! Kaya sa tanong ko sa kahulugan ng salitang nanlaban, kayo ang magsabi sa akin kung ano na nga ba ang tunay na ibig sabihin ng salitang “nanlaban”???

You May Also Like

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *