Pagbatayan natin ang mga Memo ng Commission on Audit (COA).
Sa isang inilabas na Memorandum ng COA, pinababalik nito sa tanggapan ni Schools Division Superintendent Estrelita Cunanan ang sobrang ibinayad sa upa ng tirahan nito na P80,000.
Sa isa pang memo, pinababalik din ang ibinayad sa driver ni Cunanan na P32,400.
Bakit daw?
Sa post audit report ng COA, tinuran nito na SOBRA-SOBRA sa itinatalaga ng mga batas sa halagang dapat ibayad sa pivilege quarters ng mga kagaya niyang mataas na tungkulin sa gobyerno.
Ibig sabihin, sobra ang kinuhang pondo ng tanggapan ni Cunanan na ‘di umano ibinayad sa bahay na inu-upahan nito.
Ang post audit ay para sa panahong January to October 2016 lamang at ang halagang pinababalik ng COA ay P80,000 o P8,000 kada buwan.
Walang rason na binanggit ang COA kung paano nangyari ang ganito. Ang sabi lang ng COA SOBRA ang gastos kaya dapat ibalik ang pera.
Nangurakot ba si Cunanan?
Dahil siya ang pinaka-mataas na opisyal na sa mga nag-approve sa pondong inilabas na ‘di umano ibinayad sa bahay na inu-upahan na kanyang tinitirahan.
At alam din niyang hindi na-aayon sa batas ang pondong ibinayad sa upa ng kanyang tinitirahan ngunit ini-approve pa rin niya ito.
Sa pangalawang Memo, ipinababalik din ang halagang P32,400 na tinanggap ng isa sa mga driver ng tanggapan ni Cunanan. Ang driver ay driver ni Cunanan. Bakit?
‘Di umano, tumanggap ang driver ng P32,400 bilang traveling expenses na tinagurian ng COA na “overpayment of claims”.
Sang-ayon sa COA, labag sa batas ang pagtanggap ng driver sa nasabing traveling expenses dahil hindi naman daw official travel ang ginawa nito.
“The travel of the OIC-SDS from her residence to her official station, DepEd Tarlac Province, or vice versa, WAS NOT AN OFFICIAL TRAVEL, FOR THERE WAS NO ACTUAL PERFORMANCE OF OFFICIAL DUTIES”, sabi ng COA.
May pananagutan ba si Cunanan?
Una, isa siya sa nag-approve sa pag-release ng nasabing traveling expenses. Pangalawa, driver niya mismo ang tinutukoy na empleyado ng gobyerno na siyang naghahatid-sundo sa kanya.
Habang isinusulat ito, hindi pa ma-konpirma kung isinoli na ang mga nasabing halaga.
Magkaganon pa man, hindi ba Frustrated Criminal Offenses ang mga ganito?
