Concepcion, Tarlac – – Nasa panig natin ang Diyos.
Ito ang madamdaming pahayag ni Mayor Andy Lacson nang lumabas ang kautusan ng korte na pinipigilanl ang suspensiyong ipinataw sa kanya.
Sa panayam sa kanya kamakailan, tinuran ni Mayor na isang “Marahil kagustuhan ng Diyos ang pagpatigil sa suspension order. Hindi talaga hahayaan ng Diyos na maghari ang pang—abuso at kamalian”.
Magugunita na naglabas ng 6 na buwan at isang araw na suspension ang Ombudsman kay Lacson na ipatutupad sana ng DILG kaugnay sa isinampang mga reklamo ni Joy Ann Lorenzo, hepe ng General Services Office (GSO) sa munisipyo.
Si Lorenzo ay nagsampa ng kaso dahil ayaw niyang sundin ang memorandum ni Lacson na inililipat siya bilang hepe ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO).
Ayon kay Lacson, “imbis sumunod siya (Lorenzo) sa kautusan ko bilang mayor ng bayan, hindi siya nagreport sa MDRRMO office at derecho siyang nagsampa ng mga kaso sa Ombudsman laban sa akin”.
Ngunit na dismis ang lahat ng kasong kriminal at 3 kasong administratibo dahil ayon sa Ombudsman ang mga reklamo ay “walang merito” o walang batayan.
Ang natirang kasong administratibo ay may titulong “oppression” o pagmamalupit.
Ngunit ayon sa apela ni Lacson, “walang pagmamalupit na nangyari kay Lorenzo dahil hindi bumaba ang kanyang sahod at ni minsan ay hindi siya nagreport sa MDRRMO”.
Ayon sa isang abogado, kadalasan ang kasong Oppression o pagmamalupit ay hinahatol kung may pagpapahirap na ginawa o nangyari sa isang empleyado.
“Ang paglabas ko ng memorandum na naglilipat kay Lorenzo sa ibang opisina noon ay dahil sa mga reklamo laban sa kanya ng mga barangay officials at kapuwa niya empleyado sa munisipyo. Sobrang pahirap daw ang nararanasan ng mga barangay opisyal sa pagpa-approve sa mga gamit at mga materyales na binibili nila. Lahat din ng kapuwa niya department heads ay inire-reklamo ang kanyang ‘di umano masamang ugali at kayabangan at wala daw siyang makasundo sa kanila”, bunyag ni Lacson.
Base sa Local Government Code, kailangan munang i-approve ng hepe ng GSO ang ano mang kagamitan o materyales na binibili ng mga barangay at ng munisipyo bago mailabas ang pondong pambayad sa mga ito.
“Sa palagay ng marami noon ay sinasadya ni Lorenzo na pigilin ang pagbili ng mga kagamitan na kinakailangan sa mga proyekto ng mga barangay, pati na sa munisipyo, kaya ang resulta ay napipigil ang serbisyo sa mga tao”, dagdag pa ni Lacson.
Dahil sa suspension order ng Ombudsman, nagsampa si Lacson ng Petition for Preliminary Injunction na kinatigan ng korte.
Ayon sa korte, “Respondents (DILG and Ombudsman) are enjoined to cease and desist from any action that will result in the suspension from the mayoralty position of Petitioner (Lacson)”.
“Ang isyung ito ay hindi usaping corruption. Nais ko lamang maging maayos ang serbisyo ng pamahalaan kaya ko siya (Lorenzo) inilipat noon. Nasa panig natin ang Diyos, marahil alam niya na para sa kabutihan ng bayan ang aking ginawang Memo kay Lorenzo” said Lacson.
Si Lorenzo ay itinalaga bilang hepe ng GSO ni dating mayor, na ngayon congressman, Noel Villanueva at tatlong beses din niya itong binigyan ng promotion.
Habang si Atty Philjoy Baluyut na Municipal Legal officer ang nagsampa sa kinatigang petition for injunction ni mayor Lacson.
