Tarlac Weekender- sisikapin nating magbigay ng tapat na serbisyo publiko!!!

Bilang maiden issue ng pahayagang Tarlac Weekender, nais natin na iparating sa ating mambabasa na makaaasa kayo na susubukan natin sa ating abot ng ating makakaya na magparating sa inyo ng tunay at tapat na serbisyo publiko. Bagama’t ang isang kawani ng medyas este media ay isang pribadong tanggapan at pribadong negosyo, hindi natin maipagkakaila that media involves first and foremost public information and dissemination. Yan ang isa sa unang-unang naituro sa akin sa Communication Arts 101 ng isa nating magiting na propesor sa Unibersidad ng Pilipinas.

Sa dahilang public information and dissemination ang pangunahing pakay ng isang media outfit, in this case a print newspaper, mabigat ang ating responsibilidad sa publiko na mag-report lamang ng pawang katotohanan, no more no less, walang labis at walang kulang.

Kinagagalak at kinatutuwa ko na napakaraming mga miyembro ng media sa ating mga government information agencies katulad ng PIA, PNA etc.., na talagang magagaling magsulat ng mga balita (straight news) na walang kinikilingan.

Hinggil dito ay makaaasa kayo sa inyong lingkod na siyang Publisher ng pahayagang ito na pipilitin nating gampanan ang mga sumusunod: [1] Ang pahayagang La Union Tribune ay magiging neutral sa hanay ng politika. [2] Magiging neutral at sensitibo tayo sa iba’t-ibang sektor ng lipunan kabilang na rito ang kontrobersial (kung minsan) na Lesbian, Gay, Bisexual, and Transgender o kung tawagin ay LGBT Community, PWDs and other sectarian and non-sectarian sector. [3] Hahangarin natin na mailabas ang kabuuang kwento sa lahat ng panig ng isang issue sapagkat madalas ay sinasabi that there are many sides to the truth, your side, my side, and the truth. [4 ] Bibigyan natin ng kinaukulang suporta ang mga concerned na local and national government offices kung saan hindi lang naman parating batikos o kritisismo ang dapat na maiulat sa halip ay dapat na balansehin natin at pati na rin ang good news ay atin ding ilabas. As they say, let’s us give credit where credit is due at kung kakailanganin na ating tumbukin ang dapat na tumbukin o yung sinasabing we should lay the blame where it should lay, ay siya rin nating isasagawa. [5] Panghuli sa ating layunin ay pipilitin natin na maging FEARLESS, FAIR, AND BALANCED!!!

Sa pagkakataong ito ay nais kong anyayahan ang ating mga dear readers na huwag po kayong mag-atubili na iparating sa ating tanggapan ang anumang impormasyon na nais ninyong isa-publiko. Kung nais ninyo na maging confidential ang inyong identity ay makaka-asa kayo na atin itong pananatiliiin na confidential (100% garantisado), at ang impormasyon ninyong ipinarating ay agaran nating beberipikahin at kokompirmahin para matiyak ang news worthiness of the information.

MARAMING SALAMAT SA INYONG PAGTANGKILIK NG Tarlac Weekender AT MABUHAY ANG MGA TAGA Tarlac AT MABUHAY TAYONG LAHAT!!!

You May Also Like

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *