Usaping Concepcion Farms…. ANO ANG MAS IMPORTANTE, PRINSIPYO O BOTANTE?

Isa sa mga pinakamalaki at pinakamatandang piggery sa lalawigan ay ang Concepcion Farms na matatagpuan sa Barangay San Jose sa daang Concepcion-Lapaz Road.

Masangsang na amoy ang malalanghap ng sino man na dumaraan sa piggery at matagal ng ini-rereklamo ng mga residente ng San Jose.

Dala ng kaunlaran ng bayan, ang piggery ay halos nasa commercial center na ngayon ng Concepcion.

Naging sentro ng usapan ang Concepcion Farms nang maglabas ng Ordinansa ang Sangguniang Bayan (SB) na nagtatakda sa pagsasara nito sa loob ng 7 taon.

‘Di umano pinag-usapan ng mga opisyales ng bayan at ng pamilyang ng may-ari ang pagsasara ng piggery bago ipinasa ang SB ordinance.

Ang ordinansa ay batay sa deliberasyon sa reklamong inihain ni John Calvin Sardia sa SB.

Ngunit nang ihain sa Sangguniang Panlalawigan (SP) ang ordinansa, nagpalabas ng resolusyon ang SP at ideneklara ito (ordinansa) na Ultra Vires o isang local na batas na labas sa kapangyarihan ng SB.

Ang ibig sabihin, ibinasura ng SP ang ordinansa ng SB.

Ayon kay Vice Governor Carlito David, “this is not about the Concepcion Farm but about all establishments. Hindi maaring magpasara ng kahit anong establisimento ang local na pamahalaan lalo na kung walang tamang batayan”.

“Ang Comprehensive Land Use Plan na batayan ng SB sa pagpalabas ng ordinansang nagpasasara ng piggery ay hindi pa approved”, dagdag pa ni VG Casada.

Sabi pa ni VG Casada, “ang punto dito ay ang ordinansa, hindi ang piggery. May mali sa ordinansa kaya nai-deklara itong Ultra Vires”.

Ngunit ayon kay Vice Mayor Danilo David, “ang kapakanan ng taong bayan ang aming isina-alang-alang sa ordinansa. Kalusugan, kaayusan at kalinisin ng mga tao at ng bayan ang batayan ng ordinansa”.

Sa online post ng Central Luzon News Center sa isyu umani ng batikos ang resolusyon ng SP pati na si VG Casada.

May nagcomment ng “MAGKANO (?)”, ng “SA KASONG ITO TALO AT AGRABYADO ANG TAUNGBAYAN”, ng “DAPAT KEN DALA PATUDTUDRAN DENG SP KAHIT METUNG MUNG BENGI, PALAGE KU EDAMAN BALU NANUNG DADANASAN DA DENG TAU KENG SAN JOSE. PAKI USAP PO KARENG MANUNGKULAN KENG LALAWIGAN TRY YU MUNTA KARIN PARA AKIT YU ING SITWASYUN” at ng “DAPAT BUKLAT NONG VICE-GOV DENG AWANG NA PAG LALABAS YA KEN, BANG IYA MISMO BALO NA ING PWERHISYO, PERO I’M PRETTY SURE ABABAWU NA YAN PERO, PERO MAKAPAL LA AY MASANTING LA DENG PENAPAL NA KING ARUNG NA, KUTANGAN YU NE MO, SANO DENG IMPORTANTE DENG BOTANTE O DENG BABI”.

Masakit ang mga komento, mapaghinala at mapaghusga.

Sa huling panayam kay VG Casada anya, “para sa amin, the case is closed unless the SB submits to us another ordinance on the issue”.

Ang ibig ipahiwatig ni VG Casada na isang abogado, “tapos ang usapan tungkol sa ordinansang nagpapasara sa piggery”.

Mukhang ipinangibabawan ni VG Casada ang teknikalidad ng ordinansa.

Ang prinsipyo ni VG Casada: ang mali ay mali. Marahil kung tama lamang ang pagkakahain ng ordinansa, hindi niya, at ng SP, kokontrahin ito.

Tama man o mali, mas importante prinsipyo- pagsunod sa proseso – umani man ito ng maa-hanghang na komento.

Mahahalintulad ang isyu sa mga nadi-dismis na kaso sa korte. Kadalasan, nahuli na nga ang pumatay ngunit dahil mali ang isinampang reklamo (complaint), nadi-dismis ang kaso laban sa kriminal.

Pansamantala, kumusta naman ang pakiramdam at kalusugan ng taong bayan?

You May Also Like

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *