Barangay Matatalaib, kampeon sa 1st Angel Lantern Festival

06e6fc4f-6665-4935-9907-ce93bc18299e

TARLAC CITY [CIO]— Ang Barangay Matatalaib na may entry na isang makulay na parol at may disenyong jeep ang tinanghal na kampeon sa katatapos na 1st Angel Lantern Festival sa lungsod.

Pumangalawa naman ang Barangay Aguso, pangatlo ang Barangay San Luis, pang-apat ang Barangay Tariji at panglima ang Barangay Barangay Ungot.
Ang proyektong ito ni Mayor Cristy Angeles ay nilahukan ng 42 barangays at mga organisasyon tulad ng Kaisa Women’s Organization, Philippine Chamber of Commerce and Industry -Tarlac, Advocates for a Better Life, Tarlac General Lions Club, Tarlac City Ministered Association, at Tarlac City Visitors Bureau (TCVB).

Isa sa mga pamantayan sa contest ay dapat ang mga parol ay sumisimbulo sa mga katangian ng barangay o organisasyon pati na ang materyales na gagamitin.

Ang jeep ay angkop na simbolo ng Matatalaib dahil sa barangay na ito nagmula ang rutang Matatalaib- Macabulos-Malwalo, ang isa mga kauna-unahang linya ng jeep sa lalawigan ng Tarlac.

Ang timpalak ay nagsimula noong Nobyembre 16 sa Tarlac Plazuela na kung saan naka-display ang mga parol. Inanunsyo ang mga nagwagi sa “Women Empowerment Night” na ginanap nitong November 29, 2017 sa Tarlac Plazuela.

Ang mga nanalo ay tatanggap ng cash prize mula kay Mayor Cristy sa December 4, 2017. Tatanggap din ang Philippine Chamber of Commerce and Industry –Tarlac, Kaisa Women’s Organization, Barangay San Pascual, Maliwalo at Laoang ng consolation prize./@tarlac.cio

You May Also Like

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *