Mga attack DOGS ni PDu30!!! Si Robin “Binoe” Padilla kelan iaapoint?

Tunay na nakakabahala ang mga ipinapakitang pag-asta ng mga Attack Dogs ni Pangulong Du30 na sina Congressman Umali ang Chairman ng House Committee on Justice, si Congressman Rodolfo Farinas ang Majority House Leader, at ang Speaker of the House na si Pantalon este Pantaleon “Bebot” Alvarez. GRABE NAMAN ANG TATLONG UNGGOY NA ITO SA SIPSIPAN! Hindi ko alam kung sino sa kanila ang mas magaling sa pag sisipsip B _ _ O??? Kayo mga dear readers, sino sa palagay ninyo ang mas magaling sa kanilang tatlo sa pag sisipsip kay PDu30? Dapat kasi kung talagang mayroong ebidensiya laban kay De Singko este De Lima ay nuon pang isinampa ito sa kinaukulang opisina katulad ng Prosecutors Office at sa Korte ng ma-warrant of arrest at nang ma hold na bumiyahe si De Lima.

Sa lumalabas ngayon ay mukhang kulang na kulang ang pruweba kaya mga issue na lamang ng moralidad ang ibinabato ng mga santo-santito na mga opisyales laban sa kanya, eh akala mo naman na sila ay malilinis. Eh mismong si PDu30 ay guilty rin naman of moral turpitude or similar offense concerning morality. Bakit ka ninyo, eh si PDu30 na isa rin abogago este abogado ay nakipag live-in din naman sa isang babae ng hindi siya kasal sa babae na iyon at aminado pa siya na mayroon siyang isinabay na dalawa na girlfriends, eh si Delima nga isa lang. So ano ang pinagkaiba ni PDu30 kay De Lima na parehas rin silang mayroon annulment ng kanilang earlier marriage. Kaya kung idi-disbar si De Lima ay dapat rin na i-disbar si Du30.

####

Ano pa ba ang inaantay ni Pangulong Du30 at hindi pa ina-appoint si Robin Padilla, eh si Cesar Montano ay na-appoint na at ang mga ibang artista katulad ni Arnel Ignacio, Aiza Seguerra etc. So ano pa ang inaantay ni Pangulo at dapat ay i-appoint na si Robin at isama na rin si Vice Ganda. Dapat nga ay magkaroon rin ng council of showbiz advisers from show business si Pangulong Duterte, ang council na ito ay pangungunahan ng lahat ng mga artistang sumuporta kay Dudirty este Duterte. Oh hindi ba maganda ang aking suhestiyon na ito!?!

ISANG MALIGAYANG PASKO AT MANIGONG BAGONG TAON SA ATING LAHAT!!!

You May Also Like

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *