MNTC, makikisubasta para sa Phase 2 ng CLLEX

LUNGSOD NG MALOLOS – Nagpahayag ng interes ang Manila North Tollways Corporation o MNTC na lumahok sa pagsubasta sa konsesyong maitayo ang Central Luzon Expressway o CLLEX Phase 2 Project.

Ito ay magsisimula sa lungsod ng Cabanatuan at magtatapos sa lungsod ng San Jose na kapwa nasa lalawigan ng Nueva Ecija.

Ang bahaging ito ng CLLEX ay ipapasubasta ng pamahalaan sa kwalipikadong mga pribadong sektor upang mamuhunan sa pagtatayo at operasyon ng proyekto sa ilalim ng sistemang Built-Operate-Transfer o ang Republic Act 7718.

Isa itong sistema at pamantayan upang isakatuparan ang isang proyekto gamit ang mekanismong Public-Private Partnership.

Ayon kay MNTC President Rodrigo Franco, advantage nilang gawin ang CLLEX dahil sila ang konseyornaryo ng kadikit nitong Subic-Clark-Tarlac Expressway o SCTEX.

Ayon sa inilabas na ulat ng Department of Public Works and Highways, magsisimula ang CLLEX Phase 1 sa Luisita Exit ng SCTEX hanggang lungsod ng Cabanatuan.

Popondohan ng Japan ang Phase 1 ng CLLEX sa halagang 14.9 bilyong piso. (CLJD/SFV-PIA 3)

You May Also Like

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *