Laganap pa ang JUETENG – Ayon sa aking DPA (Deep Penetrating Angel) laganap pa rin ang operasyon ng Jueteng at ang mga small time lamang na pasugalan ang siyang ipinatigil. ATTENTION: INCOMING PNP CHIEF RONALD “Bato-Bato Sa Langit” DELA ROSA, SIR, mukhang dapat na balasahin ninyo ng isang matinding balasa at ilagay sa freezer o itapon sa Babuyan Island ang inyong RD, PD at CD at laganap pa naman ang Jueteng sa kanilang mga AOR. Sa susunod na issue natin ay ating ilalabas ang mga litrato ng lantarang kobrahan na nagaganap at mga iba pa na info hinggil sa ANAK NG WETENG!!! PWEEEE……
####
Abu Sayaf – PUGOT ULO – Todas na po ang turismo ng Pinas. Base sa mga lumalabas na mga balita na siguradong na-irereport sa international community, ang mga sumusunod na mga balita ang siguradong magpapahina ng husto sa international tourisim industry ng gating bansa.
Una sa lahat ay ang mga balitang maraming sinasalvage sa ating bansa na possibleng sila ay mga drug pushers etc. Pangalawa ay ang balitang mayroon isang Canadian citizen na pinugutan ng ulo ng Abu Sayaf ay isang napakalungkot na balita kung saan ipinapakita lamang ng mga Abu Sayaf na sila ang makapangyarihan sa mga lugar na yuon ng Mindanao. Isang malaking sampal, insult at dagok sa incoming administration ni Pangulong Du30. Akala ko pa naman Mr. President na tunay na ginagalang kayo ng iba’t ibang mga rebeldeng grupo, eh ano po ang nangyari sa paggalang na sinasabi ninyo? Isang matinding hamon ang hinaharap ng sandatahan panlakas kung kanilang kakayanin ang matitinding problema ng Abu Sayaf. Nakakahiya po ang nangyayari sa Mindanao kung saan isang napakalaking sampal sa mga kasalukuyan liderato. Sa mga kaganapan na ito. sino ba namang turista ang ma eeng-ganyo na pumasyal as ating bansa kapag ganito ang mga napapabalita? Kayo ba papasyal sa Afghanistan, Egypt o Iran ganong nalalaman ninyo na maraming natotodas sa mga lugar na yuon?
####
SOCE late filing- Wala namang saysay ang issue na ito kung bakit kanilang ipinipilit na mabutasan ang partido LP. Nais ko lang linawin na hindi po ako pro-LP, kaya nga lang ang ginawa ng PDP-Laban kung saan nag-sampa pa sila ng kaso sa Korte Suprema sa aking palagay, ay isang malaking waste of time at isang mababaw na pambubutas. Malinaw naman sa batas na multa lamang ang posibleng haharapin ng isang late filer ng SOCE. Samantalang hindi lang naman si VP Leni ang madadamay sa late filing ng LP kung hindi ang 100 plus na mga Tongressmen ng LP, mga lima na Senatongs, mga 40 plus na mga Gobernador at marami pa na mga local officials ng LP na hindi rin dapat maka-upo kung ipipilit ng Comelec na butasan sila dala ng late fling ng kanilang partido. Nais ko na ihalintulad ang isang halimbawa. Ang pagka-late filing ng SOCE ay katulad ng ating income tax filing. Kapag halimbawa tayo ay na late mag file sa BIR ay hindi naman tayo agad na ipakukulong o papatawan ng isang mabigat na parusa kung hindi, tayo ay mape-penalize by way of monetary penalty. Ganyan din po ang prinsipyo ng late filing ng SOCE katulad din lamang ng ma-late ka ng filing sa BIR ng iyong tax return.
Tsk! Tsk! Tsk! Iba na talaga ang isang partido (PDP-Laban) na nagpuputok ang butsi para ipakita ang kanilang kapangyarihan!!!
